Alingawngaw
Nalulunod sa ingay ng lipunan,
umaasang marinig sa gitna ng kaguluhan.
Sa pagkupkop ng dilim,
ang tinig ko'y nagiging malinaw.
Sa paligid ng masiglang tawanan,
Nagkubli ako buong araw.
Kamustahin mo naman,
ang boses kong napupunaw.
Ang gabi ay nagiging saksi,
sa aking pananabik na makilala.
Ako'y isang munting tinig
na inaagaw 'yong katahimikan.
Sa likod ng matinis na mga tawa,
Nagpapangap.
"Kailan mo kaya ako maalala?"