tisyu
minsan pa'y kumagat ang dilim, at ang ginaw ay bumalot sa pawisan mong mga palad. bilang lamang ang patak ng luha. hindi dahil kaunti, kundi dahil pigil. hindi rinig ang hikbi. hindi dahil tahimik ang paligid, kundi dahil masyado nang maingay ang mundo upang tumigil at makinig sa iyong mga hinaing.
ikaw lamang ang makakaalam; maging ang unan mo'y malilimutan ang tahimik na pagsinghot ng barado mong ilong. ikaw lang ang makakarinig... dahil sariling mga tainga mo lang ang siyang nariyan at malapit.