Ulap sa lupa
Lumilipad ako na nakasayad ang mga paa—
parang alon na gustong sumulong pero takot sa dalampasiga.
May hangin kang hindi ko maipinta,
dumikit sa balat ko na parang dasal ng mahiwagang diwata.
Ikaw ang sinag na dumaraan sa pagitan ng dahong marupok,
liwanag na humahaplos kahit hindi ko mahawakan nang lubos.
Sa bawat iglap mo, ang mundo’y unti-unting tumutunog,
parang kampanang may lihim na pintig sa pusong sumusubok.
Ang damdamin ko’y punong nagbubuntong-hininga sa tag-init,
ugat na nangangapa sa lupa, dahong nanginginig sa init.
At sa paglapit mo, may bulong na pilit umaakit—
parang hanging nag-aanyayang iwan ko ang takot na masungit.
Ikaw ang ulap na nagbubuhat sa aking dibdib,
kumikislap na aninong hindi ko maikubli o maisinungaling.
At ako, aninong nakakapit sa lupa kahit umiibig,
umaasang sa pag-angat ko, hindi ako mababasag sa hangin.
Kaya lumilipad ako—hindi buo, hindi rin lubos,
parang bituing ayaw bumagsak pero handang malunos.
At kung dumating ang gabing kahit takot ay magapos,
hayaan mong ako’y umangkin ng langit na sa’yo lang tumutugon at sumusunod.